Center for Empowering Communities
  • Home
    • Galing ng Pinay
    • Lansangang Ligtas
    • Kababaihang Dangal ng Bayan
  • About Us
  • Programs
    • Paralegal Education and Training
    • Participatory Development Planning and Governance
    • Gender Mainstreaming and Promotion of the Welfare of both the Young and the Elderly
    • Health
    • Economic Empowerment
    • Other Activities
  • Organization
  • Articles
  • Contact Us

Attorneys@Large

    Naniniwala ang CEC na ang mga demokratikong institusyon at proseso ay lalong  mapapalakas at magkakaroon ng kapakinabangan para sa mga mahihirap at mga naisasantabi sa lipunan kung sila ay mabibigyan ng makabuluhang pagkakataon upang maging aktibong kalahok sa kanilang mga pamayanan at pamahalaan.  
      Bahagi ang Attorneys@Large ng mas malaking programa ng CEC na edukasyong paralegal at pagsasanay kung saan sisikaping mapalaganap sa mas nakararami, lalo na sa mga masang indibidwal at people’s organizations, ang pag-aaral at pag-unawa sa mga batayang karapatan at pananagutan sa ilalim ng batas. Isa itong kampanya upang pagyamanin ang kamalayan ng masa ukol sa mga batas at isyung legal na direktang nakakaapekto sa kanila. Pakay ng proyekto ang pagsasalin ng kaalaman at kakayahan na papakinabangan ng mga mamamayan.
      Upang tiyaking maaabot ng karamihan ang Attorneys@Large, gagawing bernakular at popular ang lenggwahe nito.  Audio-visual na presentasyon ang gagamitin na lalamnan ng mga talakayang legal at maglalahad din ng mga aktwal na sitwasyon kung saan at paano nagamit o napakinabangan ang kaalaman sa batas. Ang mga video ay maaaring ipalabas sa internet, computer, o TV na panonoorin sa mga umpukan at pulong-pulong sa mga komunidad. Kung papalarin, maaari ring maipalabas sa national TV itong ating programa.  
      Naiiba ang Attorneys@Large sa mga naunang programang legal gaya ng Companero Y Companera, Legal Forum at Legal Action na ang pangunahing nilalaman ay konsultasyon o talakayan lamang ukol sa  mga isinangguning kaso. Iba ang approach, emphasis at presentasyon ng A@L. Parang isang serye ng learning modules in video-documentary format ito na ang layunin ay ipakilala ang mga batas, na may diin sa mga karapatan at pananagutan, ng mga marginalized sectors. Holistic at cause-oriented ang programa (read more).

Attorneys at Large


On the writ of Amparo

    We wish to accomplish the following: 1.discuss basic concepts on the Writ of Amparo; and 2. provide a preliminary assessment of the prospects of expanding the coverage  of the said Rule to include cases of unjust and inhumane evictions and demolitions. In other countries, mostly in South America, Amparo has proven to be an effective and inexpensive tool in safeguarding constitutional rights. Amparo, literally “to protect”, originated in Mexico and spread throughout the West where it has evolved into various forms, depending on the specific needs of each country. It began as a protection against abuses of public authorities in violation of constitutional rights. Later, however, the writ evolved for several purposes (read more).

Courting Amparo

Create a free website with Weebly